Bumigay na talaga ang laptop ko.
Ayaw na niyang bumukas. Do'n pa naman nakasave ang mga stories ko
Sana maisalba pa siya. Wala pa akong pambili ng laptop ngayon huhuhu
Hindi 'to Diary is updated!!
Nasira ang battery ng laptop ko. Ayaw na niya mag-charge. Nasa loob kasi battery, hindi nababaklas. Gusto ko pa naman sana magsulat. Pero ginamit ko na rin habang nakasaksak ang charger. Baka lumipas ang kasipagan ko.
Typing while my daughter is sitting on my lap. Hah. Struggle is real. Mabuti nakatapos ako ng isang chapter.
Ganado pa naman akong magsulat habang nasa tabi ng bintana. Nang may lumitaw na tuko! Marami palang gamu-gamo kaya naglalabasan ang mga tuko at butiki.
Wala na! Finish na! Bumilis ang takbo ng puso ko at hindi na ako nakapag-isip nang maayos.
Sobrang sakit ng ulo ko kagabi. Pakiramdam ko, mainit ang temperatura ko.
At yun na. May sinat ako. Oh no!! Covid ba ito?
Buti nawala ang sinat. 36° C daw sabi ng thermal scanner kaya pinapasok ako ng guard.