TrojanTrojan

Please share our story so that we can gain more readers ^_^
          	Thank you :* :*

TrojanTrojan

Bilog ang buwan nang makaraan, sa ilalim nito ay ang mga anino ng mga nakatanaw sa maliwanag na paghahari nya sa kalaliman ng gabi.Isa ako sa mga nangarap ng maligaya at perpektong relasyon, kahit na alam ko naman na kailanma'y walang ganito sa totoong buhay.Marahil ay masyadong malawak ang imahinasyon ko patungkol sa mundo ng pag-ibig ngunit kung tutuusin hindi ko ito papangarapin kung hindi ko kailanman nasaksihan.Tulad ng tugtugin, masarap talagang pakinggan ang mga pangako, masarap sa pakiramdam na ipakita ang kahalagahan sa relasyon, ngunit tulad nga rin ng kanta, ito rin ay nagtatapos sa huling liriko nito.
           
           
          Oras nanaman ang tumakbo, araw nanaman ang lumipas, pero hanggang kailan kaya...
          
          Ang mga litrato ng kahapon ay kuwento na lamang ngayon. Masakit isipin na pagkatapos nating pagsaluhan ang kahapong maliligaya ay nagwakas tayo na para bang hindi na magkakilala. Umaasa pa rin na ako na isang araw, magtatago tayong muli, gusto kitang makita, maka-usap, marinig.
          Ang Relasyon natin ay nagtapos sa nakabibinging katahimikan.
           
          Matagal-tagal na rin mula noong hui akong mag-sulat ng liham.
            #JC