Huminto na rin si Bienne at nag-angat ng tingin. Nagtama ang mga mata nila. Umangat ang isang kilay ni Redge, nakangiti rin ito nang hindi buo, parang naghahamon ang titig. Hindi pinansin ni Bienne ang ibang kabog ng puso. Tinawid niya ang isang hakbang na distansiya.
Hindi na umatras si Redge kaya sinalo siya ng matatag na katawan nito.
Feeling ni Bienne, pareho lang silang nag-freeze. Hindi rin kasi kumilos si Redge. Hinayaan lang siyang humilig sa katawan nito. Hindi rin niya naramdaman na niyakap siya. Siya lang ang yumakap sa baywang nito.
Ang tahimik lang nila. Hindi alam ni Bienne na lalong nagpapakabog ng puso ang katahimikan...
“Friends?” she asked, ang naisip niyang excuse—at paraan na rin para magawa niyang tama ang assignment niya kay Marrius.
“Who says I wanna be your friend?”
“Tingnan mo `to, ang arte-arte. Magdedemand ng hug `tapos—” hindi na natapos ni Bienne ang sinasabi.
Hindi na rin niya nagawa ang balak na pagdistansiya. Kinabig na kasi ni Redge ang baywang niya gamit ang isang braso. Namalayan na lang niya na inangat nito ang katawan niya hanggang siya na ang nakayuko rito at nakatingala na ito sa mukha niya.
“Welcome back, little thing. Gusto mong sumamang maglibot sa farm?” tanong ni Redge, nasa mga mata niya ang titig. Hindi na ito nakangiti pero parang masaya pa rin ang mga mata...
Complete story here:
Laging Ikaw https://www.everand.com/book/726941644