[ 02 - 06 - 24 ]
Narito ako ngayon nakahiga, nakatulala, nagiisip kung tama pa ba itong aking mga ginagawa. Para nga akong isang makata, pilit sinusulat mga salitang bigla nalang lumalabas sakin kamay, na walang humpay sa pagtipa't pagiisip ng mga letrang maaaring magtugma. Oh, minsa'y walang kabuluhan itong inilalabas ng aking isipan, minsan naman ito'y tila bang isang kaisipan. Wari'y mo'y nais magbigay ng nilalaman, sa inyong utak na para bang ito'y tatatak. Pasensya kung ganito ako sumulat, hindi naman din ako maaaring umulat, sapagkat walang balita ang lalabas dito saking bibig, dahil minsan ang gusto lang nito ay pag-ibig.
"Basta Tula" -VipersMaiden