Salomrele
Hello po! Marahil ay hindi mo na ako matandaan dahil sa tagal narin ng panahon. Isa ako sa mga tagahanga mo noon simula 2020 at 2024 na sa kasalukuyan pero hindi parin kita malimutan. Nakakalungkot lang at wala na akong mabasa na anumang akda mo maging dito sa wattpad. Sa katunayan sa'yo rin kasi ako na-inspire sumulat. Tagahanga mo ako sa simple pero may dating na mga salita sa akda mo. Iyon rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay naiisip kita bilang si "Mang Kepweng" ang dati mong pen name. Hindi ko alam kung nababasa mo ito o kung may pagkakataon pa para mabasa mo pero sana bumalik na ang passion mo sa pagsulat. Gusto ko lang ipaalam na minsan sa buhay mo ay may isang tao kang in-inspire sumulat. Sana ay ayos ka lang po! ❤️