Magandang hapon, Arkiess!! Kumusta kayo? Sorry kung sobrang tagal kong mag-update, ah? Masyado talagang na-busy sa finals. Sana nasa maayos kayong kalagayan ngayon. Kung hindi man, tiwala lang at malalampasan n'yo rin ang lahat ng problema na kinakaharap n'yo.
Gusto ko rin palang sabihin na marami akong babaguhin na part ng WBT1898. From 33-Epilogue siguro? Not sure pero binago ko talaga. As of now, hanggang 33 palang ang natatapos kong i-revise. Ngayon palang kasi medyo gumaan ang schedule ko.
'Yung tungkol naman sa 3rd installment ng Montallejo Trilogy, sana matapos ko siya sa loob ng 2 months na bakasyon namin. I know hindi ko kaya 'yun pero walang imposible kung pagsisikapan na gawin. Sana hindi kayo magsawa sa pagsuporta at pagbabasa ng mga stories ko. I know maraming errors pero sinusubukan ko talagang mas mag-improve pa.
Salamat sa inyo, Arkiess!! God bless you all always <33