Noong gabing tinapos natin ang lahat saksi ang kalawakan kung gaano kabigat ang bawat hakbang ko papalayo sa'yo noong gabing 'yon, mailap ang mga tala na para bang nananadya na kung ano ang dilim sa aking kalooban ay siya ring dilim ng kalangitan at sumabay pa ito sa aking kalungkutan,
Sinubukan kong maglaro sa ulan umaasang kaya nitong hugasan ang sakit at tangayin sa kung saan ngunit hindi, Dahil ako ang pinaglaruan ng ulan ako ang pinagtaksilan ng kalawakan tagsil ang kalawakan sinubukan kong tumakbo kasalungat ng pag-ikot ng mundo nagbabakasakaling kaya ko pang habulin ang kahapon ko sa piling mo noong sabay nating pinagsaluhan ang ritmo ng paboriti nating awit noong sabay tayong naligaw sa magulo nating paligid baka kaya ko pang ubalik ang oras, minuto o segundobaka kaya ko pabaka kaya pa natin at kung hindi na talaga kaya pang bumalik maaari bang ulitin nalang natin? ang ikaw at ako ang dating tayo.
  • JoinedFebruary 1, 2017




1 Reading List