Hi po, Ate Yam! Sa totoo lang, matagal na akong hindi nagbabasa ng mga pop fiction books. I mean... Yung mga light stories lang talaga. Wala masyadong iyakan. Masaya lang ganoon. Magaan ang sulat yung mga ganoon? TT Basta! Hindi ko masabi hehe.
Pero dumating yung time na nakita ko nga yung books mo na "Girlfriend for Hire: Part 1" & "Girlfriend for Hire: Part 2"... out of curiosity, binasa ko siya. Then after that, alam mo yung feeling na parang ang nostalgic. Ang ano sa pakiramdam kasi siyempre... Habang lumalaki tayo at mas lumalawak na ang ating pananaw sa iba't-ibang bagay, mas umiiba or mas lume-level up na yung mga gusto nating basahin. Yung may kapupulutan talaga na aral. Yung ganoon ba...?
So ayun... Ang sarap lang sa feeling na ganoon kasi parang bumalik ako sa pagkabata ko haha. Kilig-kilig langs.
Alam ko pong hindi mo ito maiintindihan pero gusto ko pa ring mabasa mo ito para ma-stress ka po charoooottt HAHAHAHAHA
Love you po and sana nasa maayos po kayong kalagayan :)