Idoool. Hahaha
Ako'y sayo kahit walang tayo
Written by: Angel Nicole Cataquiz
Ang hirap palang itago na may nararamdaman ako para sayo,
Dahil patago din akong nasasaktan .
Bakit ba sa dinamidami ng lalakeng pede ko mahalin bakit ikaw pa ang napili ko? bakit ikaw pa na kaibigan ko? Bakit ikaw pa?
Oras-oras, araw-araw na tayo'y magkausap at magkasama
sa mga matatamis na salita at malalabing na pangangamusta diko namamalayan ako'y nahuhulog na pala.
Kahit alam ko na hinde magkakaroon ng salitang "TAYO" dahil ako, ako lang sa ating dalawa ang gustong maging tayo, kaya patawad,patawad sapagkat nagkagusto ako sayo.
Kahit ako'y nasasaktan, bakit ba ang hirap hirap bumitaw? ano bang meron sayo na wala sa iba? Bakit handa akong magmukhang tanga para lang mahalin ka?
Pero, pero huwag kang magalala hinde ko naman hinihingi na mahalin mo din ako,Dahil alam ko, alam ko naman na kaibigan lang, hanggang kaibigan lang ang turing mo sa tulad ko .
Masaya na akong makita kang masaya kahit hindi ako ang dahilan. Ngunit wag ka sanang malulungkot sa aking paglisan, masakit man pero kailangan
Ako'y sayo kahit walang tayo
Ako'y nandito lang pagkailangan mo ako
Ako'y sana di makalimutan
pagkakaibigan natin hinde sana mawala
Dahil ito na lamang ang tanging alam kong meron "TAYO"
Ako'y sayo ngunit walang tayo,
Hindi din kasi pwede dahil merong KAYO