HELLO PO...GUSTO KO LANG PONG IPAALAM SA LAHAT NG MGA SUMUSUPORTA, TUMATANGKILIK AT PATULOY NA NAG-AABANG SA MGA ISTORYA NG ISA SA PINAKAMAPAGKUMBABA, PINAKAPASENSYOSO AT PINAKABATIKANG MANUNULAT NA SI KLOYY PEPITO BALAZO O MAS KILALA SA BANSAG NA 'YORTZEKAI', SIYA PO AY SUMAKABILANG BUHAY NA KANINANG UMAGA. NAKAKALUNGKOT ISIPING ISA SA PINAKAHALIGI O MASASABING INSTITUSYON NANG MANUNULAT ANG TULUYAN NANG NAGBABA AT NAGSUKO NG KANYANG PLUMA. NAPAKA-UNEXPECTED NG PANGYAYARI. NAKAKAIYAK NA NAKAKABIGLA. KAHIT HINDI PA KAMI NAGKIKITA NG PERSONAL AT SA FB PRIVATE MESSAGE LANG NAGKAKAUSAP, NARAMDAMAN KO AGAD YUNG KABAITAN NI KLOYY. AND WHAT'S HEARTBREAKING AY YUNG SINABI NIYA SA 'KIN MINSAN. ISANG KAHILINGAN. GUSTO NIYANG MAGKAROON NG KAHIT HINDI BAGONG TAB O CELLPHONE PANG-UPDATE SA KANYANG MGA STORIES. SA KABILA NG KARAMDAMAN NIYA, HINDI PA RIN SIYA NAKAKALIMOT SA KANYANG MGA TAGA-BASA.
NAKAKALUNGKOT MANG ISIPING HANGGANG DITO NA LANG ANG KABANATA NG KANYANG BUHAY KALAKIP NG KANYANG MGA LIBRO, TIYAK NAMANG MANANATILI HABANG BUHAY ANG ISANG YORTZEKAI NA NAGBIGAY INSPIRASYON, KILIG, NGITI, TAWA, IYAK AT LIGAYA SA MGA PUSO NATIN. AT ITO'Y MAGPAPATULOY SA PAMAMAGITAN NG KANYANG NAIWANG MGA AKDA.
IN BEHALF OF ALL THE BXB WRITERS / AUTHORS, TAOS-PUSO KAMING NAKIKIRAMAY SA PAMILYA AT MGA NAIWAN NI KLOYY. GOD REST HIS SOUL. :(
- FROM A FRIEND