YoshioTomoe

Sinulat ko ang "Tulyapis" sa paraang maaalala natin ang kabataan natin. Isang pagbabalik tanaw sa nakaraan, alalahanin ang unang pag-ibig, kung paano tayo nagsimula, kung gaano kasaya ang mangarap. Habang tumatanda marami tayong naiiwan sa nakaraan. Marami rin nakalimutan. At ilan parte na rin ng pagkatao natin ang nagbago at nabura. May mga tao na para umabante, kinakailangan nilang lumimot. Pero naligaw ako at nawala sa proseso. At isang araw napagtantuan kong hindi ko na pala kilala ang sarili ko. 
          	
          	Naaalala mo pa ba ang buhay sa probinsya? Ang paaralan mo noong sa sekondarya? Ang mukha ni Crush? Ang luma mong palayaw na hindi na ginagamit? Mga normal na bagay na minsan naging mahalaga sa atin. Nakakainit ng puso kahit matagal nang natapos. 
          	
          	Ang "Tulyapis" ay napakahalaga sa akin. Nais ko siyang ibahagi sa inyo. Para sabay-sabay tayong umalala, naka-relate, matuto ng bagong karanasan, at maging bata ulit. 
          	
          	Salamat! 
          	
          	Yoshio Tomoe.