TRUE JOY
is found in Christ alone.
Minsan akala mo, kapag nakuha mo na yung gusto mo, magiging masaya ka na. Pera. Relationship. Success.
Pero bakit kahit nandiyan na, parang may kulang pa rin?
Yung saya… panandalian lang. Tapos balik ulit sa emptiness. Kasi may klase ng saya
na hindi kayang ibigay ng mundo.
John 15:11
“I have told you this so that my joy may be in you and that your joy may be complete.”
Si Jesus mismo nagsabi nito sa disciples Niya. Hindi lang “joy” na mababaw, kundi complete joy.
“Joy” (Greek: chara) ibig sabihin: hindi lang happiness na base sa feelings, kundi deep inner gladness na galing sa relasyon kay God.
“Complete” (Greek: plēroō) ibig sabihin: punô, walang kulang, fulfilled. Ibig sabihin,
yung joy na binibigay ni Jesus, hindi kulang-kulang.
Hindi siya nakadepende sa situation. Hindi siya nawawala kahit may problema.
John 15
ito yung part na tinuturo ni Jesus
ang tungkol sa abiding in Him.
“Abide” (Greek: menō)
ibig sabihin: manatili, mag-stay, mag-dwell. Ibig sabihin, ang tunay na saya hindi mo hinahanap sa mundo natatagpuan mo habang nananatili ka kay Kristo.
Kaya kahit anong bilhin mo, kahit sino pang makuha mo, kung wala si Kristo sa puso mo,
may kulang pa rin.
Pero kahit wala ka ng iba, kung kasama mo si Kristo buo ka. Hindi mo kailangan habulin ang saya. Kailangan mo lang lumapit kay Jesus.
Manatili ka sa Kanya. Makinig sa Kanya. Magtiwala sa Kanya. At mapapansin mo yung hinahanap mong saya
nandun na pala.
Hindi lahat ng nagpapasaya, nakakapuno.
Pero si Kristo
Siya lang ang kayang pumuno.
(c)Kristyanibi #ToGodBeTheGlory