Good Morning!!!!!!!!!!!!
Sa totoo lang gusto ko sanang magpasalamat lamang sa lahat ng nagbabasa,nag-vo-vote at sumusuporta sa story ko na I LOVE YOU MY WEIRD MAFIA BOSS kahit pa hindi naman ito kasing perfect ng ibang magagandang stories jan. Kaya THANK YOU TALAGA!!!
Pero gusto ko rin kasing kunin ang pagkakataon na to para magpasalamat sa lahat ng "FRONTLINERS" as in sa lahat-lahat.
Hindi ko alam, pero habang nanonood kasi ako ng mga balita parang bigla na lang akong humanga sa inyo.
Lalo na sa mga Doctors at Nurses, hindi ko man alam o nakikita yung mga ginagawa niyong paglaban sa virus pero alam ko na nahihirapan na kayo lalo na dahil hindi lamang kayo lumalaban sa virus kundi pati sa mga discrimination na natatanggap niyo galing pa mismo sa mga kapwa niyo pilipino.
Kaya HANGA po talaga ako sa inyo. Kayo ang tunay na halimbawa ng mga totoong LODI! MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT PO❤❤❤❤❤