Sa mundong puno ng paghihirap. Mundong puno ng panghuhusga. Mundong di nauubusan no problema. May lugar pa ba ang mga baklang naghahangad lamang ng pagtanggap at pagmamahal?
Kung mayroon nga, eh nasaan? Bakit last at pang aalipusta? Bakit lahat ay pagmamaliit? Bakit lahat ay panunukso?
Ginusto ba nila na ipinanganak na ganito? Ikaw? Ginusto mo bang ipinanganak sa kasariang taglay mo ngayon? Hiningian ka ba ng pahintulot na ipanganak sa ganyang estado?
Marami man ang nagsasabi na si Adan at Eva lamang ang nilikha ng Diyos. Ngunit masisisi nyo bang ito ang kanilang kinagisnan. Kung kasalanan ang pagiging bakla ay masisisi nyo pa ba sila?
Pagnilayang mabuti ang mga bagay bagay bago tayo humusga. Ating alamin ang kwento at bawat estorya. Huwag nating hayaan ang ating mga isip na maimpluwensya ng iba.