imagininglove5
Link to CommentCode of ConductWattpad Safety Portal
#Story promotion #Free #Updateeveryday # DREAME AND YUGTO Title: Biktima Sino nga ba ang biktima sa dalawang taong parehas nawalan? Masusukat ba iyon sa halaga o bilang ng nawala sa kanila? Si Jessica, naulila sa magulang sa edad na labing walo. Namatay ang mga magulang niya dahil nabangga ng rumaragasang kotse. Hindi sila nabigyan ng hustisya dahil mayaman at maimpluwesya ang salarin sa nangyari kaya naman pagka-graduate niya sa high school ay criminology ang kinuha niyang kurso. Nais n'yang buksan ulit ang kaso ng magulang niya at gusto niya na s'ya mismo ang humuli sa pumatay sa mga ito. Si Megan, anak ng isang maimpluwesya at mayaman tao. Halos na sa kan'ya na ang lahat pero hindi n'ya magawang sumaya dahil sa isang pangyayari na naging dahilan kung bakit parang ayaw na n'yang ngumiti o maging masaya. Hindi s'ya patahimikin ng nakaraan kahit anong gawin niyang paglimot. Magtatagpo ang landas ni Jessica at Megan. Doon magsisimula ang pagiging malapit nila sa isat-isa hanggang maging isang pag-ibig. Paano kung kailan nasa ayos na ang lahat doon nila malaman ang trahedya na nag-uugnay sa kanilang dalawa? Kaya mo bang ipakulong ang taong mahal mo o kaya mo bang makulong para sa taong mahal mo? Sino sa dalawang biktima ang mabibigyan ng hustisya?