S T A R T E R
Katuwang ni Feiten ang kaniyang alagang pagong na si Seixten sa pag-iikot-ikot—ngayon pa lang kasi siya nagkaroon ng oras para makapag-ikot dito. Dahil sa liit ng kaniyang alaga, naisip niyang baka mawala ito kapag hindi niya sinubaybayan kaya napagdesisyunan niyang gumapang na lang din para sa alaga niya. Kakaunti pa lang kasi mga nakasalamuha niya tapos hindi rin ganoon katagal kaya hanggang ngayon mag-isa pa rin siya. Lumuhod na siya, gumapang— "Seix, ang ganda rito, ano?" Tanong nito sa kaniyang alaga, tumingin din ito sa alaga niya na akala mo nama'y sasagot sa kaniya. Nagpatuloy sila sa paggapang, hindi pa nga nila nakakalahati kasi parehas silang mabagal nang biglang may— "Aray. Bakit may bato?" Tanong nito sa sarili niya at napahawak din siya sa kaniyang ulo. "Hala! Comatose ako?" Napalakas ang tanong nito, napatingin din siya kay Seix at napatingin sa taas. Bigla siyang napatayo dahil sa kahihiyan, ngumiti na lang ito na parang nanloloko, "Paumanhin po."