"Clair, masaya akong nakakasama ka ngayon. Kahit papano gumagaan ang loob ko sa tuwing nangyayari ang bagay na 'yon. Pero Clair natatakot din ako sa mga susunod pang mangyayari."
Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga matapos niyang sabihin ang mga bumabagabag sa kanyang isipan. Hindi ko inaasahan na ang isang Matilda Rosfer na anak ng isang dakilang manglalakbay na alam ng karamihan ay isang alamat lamang ay natatakot sa kakahayan na meron siya.
Hindi ko naman siya masisisi, kung ako rin sa kinalalagyan niya. Matatakot din ako.
Umupo ako sa tabi niya saka marahang hinawakan ang kanyang kanang kamay. Ito lamang ang natatanging paraan na naisip ko upang hindi siya matakot.
"Matilda" tawag ko sa kanyang pangalan habang nakatingin sa kanya na ngayo'y nagtatama na ang aming mata.
"Heto ang tatandaan mo. Hangga't nabubuhay ako, at ang iba ko pang kasama ay hinding-hindi ka mapapahamak. I won't let them hurt you and take you away. Hangga't maaari, ako muna ang kakaharapin nila." Nakita ko kung paano lumambot ang ekspresyon niya at may namumuong mga butil ng luha sa kanyang mga mata na agad niyang ikinubli sa paraang pagsara ng kanyang mga mata.
Sa pagkakataong iyon, ay hinalikan ko siya sa noo. At ibinigay ko ang seguridad na totoo ang aking mga sinabi.
"I, Sinclair Hart, bilang taga-pangalaga ng palasyo ay nandirito ngayon, upang gawin ang aking misyon. Iyon ay ang protektahan ang babaeng nag-ngangalang Matilda Rosfer."
- Soon