TAYO NALANG?
Nagkakilala at naging tayo noong 2009 sinayang ko ang tinatawag nilang "TAYO" minahal mo ako pero ako hindi kasi bata pa ako noon wala pa akong alam sa "PAG-IBIG". Pero nagkita ulit tayo after 6 years sakto din kasi hiwalay na kami ng boyfriend ko at naging "TAYO" ulit pero may iba sa'yo.. hindi na ikaw ang lalaking nakilala ko. Babaero ka na, marami pala kaming naghahati sa puso mo at ang mas masakit pa kasi bumawi ako sa pagkukulang ko noon sa'yo at MINAHAL kita. I tolerate all of it because i chose to love you, i chose to get hurt by staying on your side.
Naging mas tanga pa ako ng may nangyari sa atin at NAGKAANAK tayo pero pilit mong itinatanggi na sa'yo to, umalis ka pumunta ka ng cebu ng wala man lang paalam para iwasan ang resposibilidad mo sa akin at sa magiging ANAK mo. Dinibdib ko lahat ng yun pero hindi ko naisipan na ipahamak ang anak mo, i took good care of HER i tried to forget you but i failed. As she grows faster inside of me the more i fell in love to her, dumating ang araw ng paglabas niya pero ayaw niyang lumabas i struggle dahil over due na ako noon 41 weeks na siya sa loob ng tiyan ko and i decided to have a ceasarian at sa awa ng diyos we both SURVIVED.
Isang taon na siya ngayon at isang taon ka na ding wala sa buhay namin, ngayon nalaman ko nalang na.. may iba ka na at mahal na mahal mo pa, alam mo ba kung gaano kasakit yun? Kamukha mo ang anak ko minsan umiiyak akong mag-isa kasi hanggang ngayon MAHAL pa rin KITA. Mahal pa kita! Kahit masaya ka na ngayon at ako ay umaasa pa rin na sana ako nalang sana ako nalang ang iyong minahal, ako nalang. Tayo nalang..