Binitawan ko na ang aking pagsusulat
Kailangan ko na silang bitawan.
Masakit?! Oo masakit, pero kailangan.
Bakit?! Hindi na ako masaya, sa t'wing haharapin ko sila.
Nabablangko ang isipan ko, at ayokong pilitin ang sarili ko dahil hindi na maganda ang kalalabasan niya. Maraming akong ideya, noon pero ngayon wala na akong gana. Yung feeling mo na naglalakad ka sa kawalan at di alam ang iyong patutunguhan. Halos ilang buwan ko din iyong pinag-isipan. Pero wala na talaga akong amor.
Hindi ko alam kung bakit, at saan ba ako nakulangan. Ginawa ko naman ang lahat sa ikakaganda pero, wala eh.
Mukhang hindi talaga siya sa akin, may ibang bagay siguro na nakalaan na dapat kong gawin na makapagpapasaya sa `kin.
Nakakalungkot man pero kailangan, hindi ko na gustong pilitin ang sarili ko sa bagay na hindi na ako masaya.