Hello everyone. Na post ko na to sa book ko. Yung SASSAENG ALL OF A SUDDEN. Gusto ko lang ulit ipost dito sa wall ko.
This is _RMwritten, I hope everyone is enjoying my story. Kung magkapareho tayo ng wavelength pagdating sa humor at pag fa-fangirling, eh ma-eenjoy nyo naman kahit papano. Kaya thank you RMreaders.
Meron lang akong gustong hinging favor.
Ganito kasi yun.
May mga nalalaman akong published stories sa wattpad na pina plagiarize ng iba. Lalo na kung minsan yung story hindi pa tapos. I'm kinda worried lang kasi. (char! Conyo! Hahahaha!)
Hindi naman sa nagmamalaki ako ng story ko. Pero kasi idea ko to. Ako ang napupuyat, eyebags ko ang bumibigat. Kamay ko ang nangangawit, beauty ko ang at risk! Kaya ang sakit sa hearteu na kung malalaman kong mangyayari sakin yun. Diba? Kahit naman kanino mangyari yun, ang chaka.
Kaya ang favor ko lang sa mga readers ng kahit anong story, mapa online man, libro, or app. Baka naman kung pwede pag may nalaman, nabasa, o nakita kayo na super resemblance nitong
SASSAENG ALL OF A SUDDEN
paki sabihan agad ako.