"Ang masyadong madali nating nakukuha ay kadalasang hindi natin masyadong napapahalagahan. Ngunit ang mga bagay na hinimay himay at pinaghirapang abutin ay siyang mahirap balewalain."
Good morning guys ❤ I know all of us (writers) started from zero and it's not easy to persuade others to read our story lalo na kung wala pang masyadong bumabasa. Pero hayaan mo na, nagsimula naman talaga tayo sa wala diba? Basta tadaan lang natin guys na, hindi lang sa maraming mambabasa tayo sasaya. Sasaya rin tayo kapag nakita nating tapos na ang ating akda. Pinaghirapan nating buuin o tapusin 'yon eh.
Kaya patuloy lang, 'wag kang paghinaan. Hayaan mong ang tadhana ang magdala sayo sa tamang panahon at oras na inaasam mo. Sa ngayon, magpatuloy ka lang at 'wag bibitaw.