Bee..." mahina niyang simula, halos pabulong. "Hindi ako umiwas kasi ayaw kita."
Nag-angat siya ng tingin, diretso sa akin, at doon ko lang nakita ang matagal niyang tinatago.
"Natakot ako. Kasi... may gusto rin ako sa'yo."
Parang tumigil ang buong classroom. Parang bumagal ang oras. Narinig ko pa halos ang tibok ng puso ko sa sobrang lakas.
"Sobrang gusto," dagdag niya.
At doon, napapikit ako ng sandali. Hindi dahil sa kaba—kundi dahil sa sobrang relief. Para bang isang taon akong naka-hold breath, at ngayon lang ako muling nakahinga. Lumapit siya ng kaunti. Sapat para maramdaman ko ang init ng presensya niya. Sapat para maramdaman ko na hindi ako nag-iisa sa naramdaman ko.
"Hindi ko alam paano haharapin 'yon noon," sabi niya, may halong ngiti at hiya. "Pero ayoko nang takbuhan ngayon."
At doon nagsimula. Hindi sa halik. Hindi sa yakap. Hindi sa mga bagay na pang-movie.
Gusto niyo na ba ng love story ni Francine at Bee?? Eto na siya, chapter 6 is publish, read, like and vote to my story only on wattpad!!
Link: https://www.wattpad.com/1590760887?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=share_published&wp_page=create_on_publish&wp_uname=_callmeB