Nung binasa ko to, iniisip ko si 'D' at si 'W'. Yung mga lalaki kong wagas. Iniisip ko yung feelings ko. Yung pain na nararamdaman ko. Yung sarili ko. Kung pano ko makakaget over sa lahat lahat. Nung una, grabe yung kilig e. Lovestory kasi e diba. Plus, kakaiba kasi talaga yung story since POV ng lalaki to. Pero ngayon ewan. Si papa yung nasa isip ko. Nakikita ko si Kei kay Papa. Yung mga pinagdaanan nya. Kung pano nya nakayanan lahat yon ng mag-isa. Hindi ko nga alam kung may naitulong ba ako or kapatid ko sakanya non e. Naiisip ko yung pakiramadam nya na mag-isa na lang sya nung nawala si Mama. Yung mga panahong yon na ang dami pang nasasabi ng ibang tao sakanya. Hindi ko man lang alam na ganun pala. Hindi ko akam na ganun pala kasakit yon. Ang selfish ko, sarili ko lang iniisip ko. Im sorry Pa. ㅠㅡㅠ