Hello, almost a month na since last update ko ng Touching Boundaries, and finally healed na rin ang braso ko kaya makakapagsulat na ulit ako. After na lang talaga ng final exam ko ako fully babalik sa pagsusulat para tuloy-tuloy na ulit ang updates.
And also, Shadow of Play (Updated Version) will slowly be republished chapter by chapter. Most likely magsasabay yung re-publishing ng revised chapters nito at yung updates ng ongoing chapters ng Touching Boundaries. I highly recommend na basahin n’yo ulit ang Shadow of Play kasi sobrang dami nang nabago. I changed a lot of scenes, improved the flow, added more details, fixed inconsistencies, and replaced several parts in almost every chapter.
I re-read the entire story from the first chapter hanggang ending, and honestly, masasabi kong maganda naman siya, but not yet satisfying enough for me. Kaya eto ako ngayon, nire-revise ko talaga nang mabuti at pinapahirapan ang sarili ko just to improve the writing style, pacing, atmosphere, and overall flow of the story. Since ganitong genre yung sinusulat ko, mataas talaga ang expectations at ayokong magmukhang minadali lang. Hindi siya “peche peche” na sulat lang dahil sobrang dali magkaroon ng plot holes kapag hindi napagplanuhan nang maayos. Napaka-challenging magsulat ng ganitong klaseng story and genre, especially kapag gusto mong every detail may sense at may payoff later on. Kaya sa mga balak magsulat ng ganitong type of story, advice ko lang talaga is pagplanuhan n’yo muna nang mabuti lahat bago kayo magsimula kasi hindi talaga siya madali. Draining minsan, pero honestly sobrang worth it naman kapag nakikita mong unti-unting nabubuo yung story exactly the way you imagined it.
Thank you sa lahat ng naghintay at patuloy na sumusuporta despite the long delay. I’ll do my best to deliver better chapters and better writing this time.