oye - short thoughts.
Yes, Shan was ready for death. And in reality, his situation would really ended up like that. But it's too cruel for him and Ke. Sa lahat ng characters ng univ series, sila 'yung may pinakamalalang pinagdaanan and as a reader, sana mas matagal pa silang nagsama after nila magkabalikan.
Hindi ko lang din matanggap na bakit walang nakahalata sa mga kaibigan niya na may pinagdadaanan si Shan. Na may hinaharap siyang delikado. Nimeet niya lahat to at least say goodbye kasi alam na nga ni Shan na anytime pwede siyang mawala.
Bakit wala man lang umagainst sa kaniya? Kahit isang "realist" lang. Sabihin na, "Shan, madami ka nang pinagdaanan. Hindi pa ba time para piliin mo naman ang sarili mo? Yes, you're doing this also for yourself. Pero isipin mo naman ang mga taong maiiwan mo."
Na kahit hindi niya na sundin 'yung character na 'yun. At least may isang taong pumigil sa kaniya. Nagbigay sa kaniya ng other options.
Ganun pa man. On the other hand. Shan's death made a story move. I guess, lalong nagsisi ang tatay niya sa ginawa nito. (Sana nagawan ng description 'yun. Sana rin nagawan ng description kung paano nagsisi si Miguel and his family. Kahit years later na lang. O ginawan ng situation that would make them live their life like a living hell. Right?) Shan's death also made Ke more strong? Kahit na I felt sorry for her. And for Elyse. In just one situation, yung tatlong members ng family niya ay nawala sa kaniya.
*sobs