LadyKalami
Link to CommentCode of ConductWattpad Safety Portal
Sana po mabasa mo po TY❤️ Prologue: "Oh!" Ungol niya sa loob ng banyo. Nagrorosaryo ako at naiiskandalo ang tainga ko sa mga ungol niyang parang nalilibugan. Nananadya talaga ang isang 'to. Angelous hour na kasi at saka naman siya gumamit ng banyo ko. Nakakairita lang talaga. "Hail Marry full of Grace–" "Uh, yes!" Mariin akong napapikit at nagpatuloy habang patuloy siya sa pangdi-distract sa'kin. Nasa dulo na ako ng rosaryo at nagpapasalamat ako na nairaos ko rin ang pagdarasal sa kabila ng kawalang hiyaan ng demonyong 'yon. Nagtitimpi lang ako dahil sa pagbabanta niyang kukunin niya ang kaluluwa ko. Baka mapaaga ang pagkuha niya pag ininis ko ang isang 'yon. Nag-click ang door knob palatandaan na lalabas na siya. Ini-expect ko na nakadamit na siya at lahat-lahat pero... "May tuwalya ka ba?"at ngumisi tapos binuksan ng pagka luwag-luwag ang pintuan ng banyo. Napapadyak ako sa inis. Agad akong tumalikod dahil iyong 'ano' niya kumakaway-kaway sa gitna ng mga hita niya. Nadedemonyo ako talaga kahit kabagu-bago ko pa lang nagrosaryo. "Wala,"iritado kong sagot at tinalikuran siya sa inis. Narinig ko pa ang halakhak niya. "Sige, I'll find it myself,"sigaw niya. Sana bumalik na siya sa underworld kung saan man siyang lupa nanggaling na kamote siya. Kung bakit kasi sa akin naisip maki-house mate ang demonyong 'yon? I think you'd like this story: "Disciples Of Darkness" by LadyKalami on Wattpad https://www.wattpad.com/story/279972504?utm_source=android&utm_medium=com.ytsmovies.yifymovies&utm_content=story_info&wp_page=story_details_button&wp_uname=LadyKalami&wp_originator=4XPsTbFg2TuOUZIA%2Bz14PgJv7ZqLcXEunCW6qtwlEJ5MH8kjMxeu62VWR3mYQgzfa44edcxjRK4PNVfFSl4UExYeug5R2aBpQzO40N7eXfJe5frtUQnQuNsLV9W2BJUa