Our Real Love is one of my favorite story of Manager @ABCastueras ^_^ I've waited for 6 months or more for the update of Chapter 23 kasi I know na matagal talaga mag-update si manager but it doesn't matter because the long wait is so worth it :) Sobrang excited ako kasi ang ganda-ganda ng flow ng story at ng teaser for Chapter 23. Halos maglulundag ako nung nakita ko sa notifications na nag-update na si Manager sa ORL, finally! Makapapagbasa na ulit ako :) Hindi ko mapigilan na hindi magbasa kasi sobra akong naghintay ng update. Maraming parts ang chapter 23 and sa ngayon, tatlong part palang ang nababasa ko, hindi dahil nagsawa ako kundi dahil sobrang masakit sakin ang istorya nina Jarret at Adeline. Actually, part 3 ng Chapter 23 ang pinakamasaya pero nagtapos sa masakit </3 Yung tipong part 3 palang ako pero napatigil ako sa pagbabasa kasi ang hirap makaget-over, ang hirap kasi hindi mawala yung sakit sa part 3 na yon. Tipong, mas pinili ko munang hindi magbasa kasi parang di ko kakayanin ang isa pang heartache </3 Ganun yung impact sakin ng istorya ng ORL ni manager. Hindi ko akalain na up until now, yung pain ng istorya ay nararamdaman ko parin. Kapag kaya ko na, itutuloy ko na yung pagbabasa. Pero sa ngayon, hahayaan ko munang mabawasan yung sakit na dulot ng part 3 ng Chapter 23. Ire-ready ko na yung puso ko sa panibagong sakit na mararanasan ko once na magbasa ulit ako.
Thankyou Manager @ABCastueras for a wonderful story! ❤