" Confirm!....naging hamster na naman siya....," anito sabay dampot sa T-shirt sa sahig.
" Mira...," awtomatikong napalingon siya ng marinig ang boses ni Emman.
" Ay!....naku!....," napatalikod kaagad si Mira ng makitang naka-topless si Emman at naka-towel lang sa pang-ibaba.
Naramdaman ni Mira ang kamay ni Emman na kinuha ang T-shirt na hawak niya.
" Hindi ka pa ba sanay???...," ani Emman na lumapit kay Mira.
"Excuse me, hindi ko kayo binubusuhan sa tuwing wala kayong damit noh.Isa pa hindi ako tulad ng iba na kinikilig sa tuwing nakakita ng abs....," sagot ni Mira na nakapikit pa rin habang kinakausap si Emman na ramdam niyang nasa harapan lang niya ito.
" Abs?...so, you know na may abs ako?," tila panunuksong paghahambog ni Emman.
Biglang namula ang pisngi ni Mira.Sa totoo lang hindi naman.
" Alam mo Sir hindi maiwasan na makita ko 'yung upper body nito.Pero pr—," biglang napahinto si Mira na ng mula sa likuran niya ay sinilip ni Emman ang mukha niya.
Napa-ikot si Mira.Ibig sabihin nakaharap na ito kay Emman.Maliit na distansya, bagay na sinasadya ni Emman para asarin si Mira.
" Bakit parang namumula ka?," nakangiting sambit ni Emman.Natutuwa ito sa ginagawang pang-aalaska rito.
Hindi maintindihan ni Mira pero parang bigla siyang nahirapan huminga.Parang biglang pakiramdam niya numinipis ang hanging.
" H-hindi Sir...whoa...bakit parang biglang uminit?....," nagpapaypay ng kamay si Mira ka parang talagang init na init ito.
" Talaga!...mahina pa ba ang aircon?," tanong ni Emman.
Pinigil ni Emman ang ngiti sa mga labi nito ng makita si Mira habang nakapikit at halatang ilang na ilang.Maraming beses na niya itong nakikita ng ganito ngunit natutuwa siyang pagmasdan si Mira habang nakapikit.
Chapter 64:
https://www.wattpad.com/story/194648277