Sa ilang beses kong sinubukan hanapin ang daan pabalik sa pagsusulat... ay ganoon din ang kadami ng beses kong natagpuan ang sarili kong walang laman. Sa matagal na panahon, ang puso ko’y nanahimik, ang isip ko’y natigilan sa pagkinig.
Muli, isang araw narinig ko siyang umawit; ibang pangalan na ang sambit.
Ayos lang ba i-hele kita sa bagong tugtugin? Makikinig ka kaya sa bagong plaka?
Na hindi ko din inakalang mangyayari pala.
Sana sa muli kung pagsulat ay makasama ka, kahit ang bida ay hindi na siya.