Backstabbing - Backstabber
Iwasan mo yan. Wag kang maging ganyan. Kasi walang magandang dulot yan sa sarili mo. Wag mong gagawin yan sa iba, kahit na may ginawa sila sayo na hindi maganda wala tayong karapan manira sa kapwa natin (siraan ang kapwa natin) kasi hindi naka na nalalayo sa kanila.
Kung isa kang backstabber ngayon parang iwasan mo nayan, lalo na kung ang sinisiraan mo ay yung kaibigan mo. Isipin mo kahit bago palang kayong magkaibigan, meron kayong pinag samahan. Kasama mo siyang ngumiti, sinasabihan ka nya ng sekreto, sinasabihan mo rin siya ng sekreto, tapos sisiraan mo siya. O kaya naman matagal na kayong mag kaibigan, taon na ang pinag samahan nyo. Sabi mo "kilala ko na siya kaibigan ko yan ng ilang taon e" pero kilala mo ba talaga siya? Kasi kung oo, bakit mo siya sinisiraan o pinaguusapan nyo siya ng masama pag hindi siya nakaharap? Diba dapat kung kilala mo na siya dapat hindi mo siya ginaganon? O baka mas magandang sabihin, kilala mo nasiya, pero siya hindi ka niya kilala. Kasi yung kaibigan na pinagkakatiwalaan niya, sinasaksak siya pag nakatalikod.yung kaibigan na tinuring niyang kapatid, pinagtatawanan siya.
Kung may problema ka sa kanya, sabihin mo! Mag kaibigan hindi magkaaway. Mas magandang sabihin mo sa kanya na may problema ka sa kanya. Sabihin mo sa kanya kung nagtatampo ka. Para magawan ng paraan, para mag kaintindihan kayo and for once mag kaintindihan kayo.
PART 1