Hello! Ako si Alice.

Malakas tumawa, masayang kasama.

20-ish yrs old, isang tunay na babae (may kifi), ipinanganak ako sa Quezon City pero tubong Tondo (Bago ka pa mag comment, uunahan na kita...Tuwing Fiesta lang may saksakan.) HAHA. Ako ay isang Expat sa Singapura. Designer ako sa totoong buhay, mahilig akong magdrawing, gumawa ng kung anik-anik mula sa clay at trying hard ako magpinta.

I'm not much of a writer, pero bata palang ako may diary na ko. (yung di-susi pa) Hindi ko ginawa ang blog na to para ilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa mundo. (wala ako nun masyado) Hindi ko ginawa ito para mang bully ng kung sino-sinong artista o pulitika at lalong hindi ko ginawa ang blog na to para magbenta ng kung ano mang produkto o manghikayat ng mga tao para sa Networking. Maniwala ka ang blog na ito ay ginawa ko para hanapin ang boses ko sa pagsusulat. Gaya nga ng sabi ko kanina, I'm not much of a writer but then again I have a lots of thoughts and ideas I want to share to the world lalong lalo na sa mga kababaihan, (Feminist Mode On)

Wala akong ibang materyal bukod sa sarili kong kwentong pang araw-araw na nagaganap sa buhay ko kasama ng mga kaibigan ko, pamilya, ka-trabaho, aso't pusa at imaginary friend. Wag kang mahiya magtanong o humingi ng payo, may MA Degree ako dyan. Bata, matanda, payat, mataba, may ukani o wala, babae o lalaki, bakla o tomboy welcome kang magbasa ng blog ko. Sana magustuhan mo at ma-a-apprecite ko kung mag-cocomment ka at isshare mo sa mga tropa mo. Kung hindi mo naman bet, mainam na manahimik ka. Charos!


Maraming Salamat.

-AliceinWonderlupa 2014
  • Philippines | Singapore
  • JoinedNovember 19, 2014


Story by Alice in Wonderlupa