Para akong tanga minsan, hindi ko gusto ang mga gusto ko, hindi ko maintindihan ang sarili ko, at madalas ang kaaway ko ay ako mismo. 
Hindi ko alam kung anong meron sakin, ang gusto ko lang naman
maging mahinahon ang lahat, magkaroon ng oras ang lahat para magnilay
para isipin ang mga bagay bagay- ang nangyari kahapon o mangyayari bukas.
Hindi ko hilig ang magkwento- pero gusto ko isulat ang mga nangyayari sa
paligid ko. Ang mga nararamdaman ng ibang tao ang paborito kung paksa.
Hindi ko kayang isulat ng direkta ang saloobin ko, tulong sakin ang manghiram ng ibang nararamdaman, at ihalo ang damdamin ko. Twing nasasaktan at malungkot lumalabas ang mga letra sa isip ko. Meron 'nun nakapagsabi sa akin- "ako ang kwento ko at hindi ibang tao" sana nga tama sya, dahil ngayon isa narin syang bahagi ng kwento sa buhay ko. Hindi ako matapang para sa ilan- pero hindi rin ako duwag para isigaw ang ang mga gusto kung sabihin. Gusto ko maging normal ang buhay ko- kung hiling mo ay kumplikado at aliw sa buhay ngayon palang magisip ka na, ang buhay ay may sistema- kung hindi mo yun tatahakin mali ang landas na dinaraanan mo, may daan para bumalik kung sobrang malayo na para sayo. Hayaan mo nalang ang lahat, umupo ka sa tabi at antayin ang araw lumobog, panahon ang maglalapit kung saan ka man naka pwesto . Kalimutan ang nakaraan- bagay na hindi ko maiwasan.
Hindi ko alam kung bat ako ganito- nasaktan parin ba ako- kaya marami akong na ikwekwento. Hindi ako yung taong totoo sa harapan mo, hindi ko maiwasang mag lihim- hindi ako yung taong inaasahan mo. Hindi mo ako pwdeng ankinin- pwde mo akong mahalin. Hindi ko gusto maging importante sa buhay ng ibang tao gusto ko lang tapunan ako ng konting respeto at pagmamahal
  • Angeles, Pampanga
  • JoinedMarch 26, 2014



Stories by A_lvin
"Papatak- patak" by alvinlianza
"Papatak- patak"
Hindi ko alam kung anong meron sa ulan, kung anong meron sa bawat patak ng ulan, kung bakit sa twing umuulan...
Tutula Tula-la by alvinlianza
Tutula Tula-la
Gusto kung tumula at tumunganga- may mga bagay na nasasabi ko ng maayos kapag tulala lang ako. Hindi ako mag...
Heart Behind Two Hearts by alvinlianza
Heart Behind Two Hearts
"Ok Lang Ako" By: PNE AYoko ng malaman pa Kung sino sya at kung saan ka nagpunta Hinde na lam...
1 Reading List