♥️
Naisip mo na bang bumitaw?
Sa problema mong humahataw,
Gusto mo na bang sumuko,
Sa pagsubok na sayo'y nagpapayuko?
Kaibigan itaas ang noo,
Suliranin man ay may dulo ,✍️
Gaano man kabigat ang yong dinadala,
Hawak mo ang inaasam na pag-asa.
Madilim man ang yong dinadanan,
Tiwala kaibigan magkakaliwanag din yan,
Ngingiti ang araw paglipas ng ulan,
Kaibigan, problema mo'y may katapusan.
Wag hayaan'g pagsusulit ay maghari,
Sa libro ng mga paraan'g ikaw ang nagmamay-ari,
Sa mundo na bihira masilayan ang ngiti,
Sa saradong pintuan, ikaw ang may hawak ng susi.