"Yes. I love you," pabulong na sambit ng nobya.
Nang lingunin niya si Amber ay diretso ang tingin nito sa harapan. Hindi man lang nag-abala na lingunin siya.
"So much. Pero kapag niloko mo 'ko at ipinaramdam mo sa akin na hindi na ako importante sa buhay mo, tapos na ang lahat sa pagitan nating dalawa. Hindi lang kasi about sa panloloko 'yon, Kren. Hindi 'yon dahil sa nabawasan ang pagmamahal mo sa akin. It's not that. It's the trust and the respect that comes after what you did. Kung mangyayari man 'yon, hindi kita sasaktan. Hindi ako manggugulo.Hindi rin ako maghahabol," dagdag pa nito.
Nang lumingon ito sa gawi niya, nakapagkit na sa mga labi nito ang isang malungkot na ngiti.
"I'll walk away from your life not because I want to but because you made me to."
https://www.wattpad.com/myworks/315867489-still-yours