Arrange Marriage: (Next Chapter Teaser)
“Bilisan mo!” pabulong na saad ko kay Jaired habang hawak hawak pa rin ang kamay niyang nanlalamig na, halos patakbo kaming lumalabas mula sa main door ng venue matapos takasan ang kasal nila ni kenneth—Well, technically, hindi namin sila tinatakasan…nag walk out kami…ganon nga.
clack, clack, clack.
dug dug, dug dug, dug dug.
Feel ko talaga ay nag-uunahan ang tibok ng puso ko at ang mga yabag ng mga paa amin, Kahit nga ang tunog ng black shoes ni Jaired sa tiles ay parang nakakabingi na rin sa lakas.
“T-teka lang… June, tama ba ‘to?” hingal niyang tanong habang sumusunod sa akin—Ah mali, kinakaladkad ko pala siya.
Huminto ako ng bahagya upang pihitin ang pinto at para maghabol rin ng hininga. “Wala na tong atrasan, mahal. Well, kung ayaw mong gawin ‘to para sa sarili mo, pwede bang gawin mo ‘to para sa atin?” hinihingal ko ring saad sa kanya.
Pagbukas namin ng pintuan, agad kaminf sinalubong ng malamig na simoy ng hangin, papalubog na sikat ng araw at isang pamilyar na boses.
“Gosh, akala ko ay ‘di na kayo lalabas!”