anxiouschip

anxiouschip

UPDATE (PART 2):
          
          Inaamin ko, I am no longer that one smart lazy kid I was once before and struggling due to anxiety and sadness right now. But I intend to be smart, calm, and composed.
          
          I despise how my past self underestimated life. Now, my present self is facing difficulties. I hope my future self can do well.
          
          Hayan! Nag-open na naman ako! Hays! Pasensya na. OA talaga 'yung writer na nagtatago rito. Haha! Sorry na! Nagising lang! Recently ko lang naalala na marami pala akong kailangang i-achieve. Torture na kung torture but 'yung mindset ko ngayon, may intense anxiety man at highly pressured, there's no way I would settle for less... but strive for the best!
          
          So hayun nga!
          
          Hindi ako namamaalam! Sinabi ko nang walang iwanan! Naging part na ng life support system ko ang writing! If you continue reading my stories, then thanks! Haha! If ever ma-meet ninyo ako in real-life, good! Haha! If mawala man ako, babalik pa rin ako. Pero kung mamatay man ako, sorry na agad. Meet na lang tayo sa kabilang buhay! Doon na lang ako magsulat. Charr!
          
          Sige na nga! Bye-bye! Dumaldal na naman ako. Hays. Pero daldal ako ulit next time kung feel ko. Haha another set of rant na naman.

anxiouschip

UPDATE (PART 1): 
          
          Hello, dear readers! 
          
          One update per week muna tayo. I don't know until when na magiging ganito kabagal ang mga updates natin but sana, walang iwanan. Charr!
          
          Haha, it's just that... I need to rethink the things I have to do.
          
          Honestly speaking, I don't write fiction to be a known author. For me, writing is a form of escape from reality.
          
          I hate reality. Sobra! Haha! Kaunti na lang, tatakasan na ako ng katinuan! Charr!
          
          Anyway, ewan ko rin kasi sa sarili ko! Sa totoo lang, never ko binalak kung ano magiging future ko. Nasanay kasi ako sa pagiging go-with-the-flow ni tadhana. Kaya heto ako ngayon, hindi alam kung saan papunta 'yung ilog. Namalayan ko na lang, mabato na pala 'yung tinatahak ko hanggang sa narating ko 'yung talon sa dulo. OA na kung OA! OA naman talaga ako! Kasi naman, hindi ko ine-expect na magkakaganito ako. Ganito pala pakiramdam ng mawalan ng pakialam sa buhay. Then, when I realized it... that I was giving up almost everything, natakot ako. Sobra. Ayaw ko nang maligaw pa. 
          
          As of now, I'm trying to find the right path for me! I don't wanna be senseless any longer. Hindi maganda sa pakiramdam. Nakokonsensya na ako. Naaawa ako sa sarili ko at sa mga may tiwala at sumusuporta sa akin. 
          
          Yes, hindi nga maiiwasan I might fall and hurt many times in the process but I would never intend to give up on myself... never again. I think, tiwala sa sarili ang kailangan ko to survive the challenges – to surpass every obstacle I face.