Hello to you! Sadly, I'm going to unpublish my work. And yes, I will not going to publish it again, even though tapos ko na talaga ang kwento. Buuuut! Salamat pa rin sa pagbabasa mo at sa paniniwala mo sa pagiging manunulat ko. Maraming salamat sa oras na iginugol mo upang basahin ang sinulat ko at sa suportang iyong ibinigay. Matagal ko na itong pinag-isipan, at heto ako upang isagawa ang desisyon na aking napili dahil mukhang nakalimutan ko na ang tunay na saya kapag nagsusulat ka—mapakwento man o tula. Nalunod ako sa makamundong kagustuhan at nagsusulat na lamang ako para masabing, "manunulat ako, pansinin mo. Ang galing, 'di ba?" Ayaw ko nang magpatuloy pa sa kahibangan na iyan at nais kong iayos ang aking sarili. Hindi maganda pakinggan at hindi maganda sa pakiramdam. Alam kong bago pa lang ako sa ganito pero naging maluho na agad ako kaya hangga't maaari, kailangan kong gumising. Pasensya na, at maraming salamat. Salamat, salamat nang marami. Gusto kong sumulat—may bumabasa man o wala, may sumusuporta man o wala. Gusto kong bumalik 'yung pakiramdam na iyon. Muli, salamat.
Paalam, aphelvan.