Sa loob ng school, may gazebo, at habang nag-iedit kami, hindi ako mapakali kaya lakad ako ng lakad paparoon at paparito sa mga kagrupp ko upang tignan ang ginagawa nila. Tumungtong ako sa may upuan at doon naglakad, nang biglang igalaw ng isang kaklase ko ang paa nya kaya iniwasan ko ito. Muntikan akong mahulog, napatingin sya sakin, kaya napatingin din ako sa kanya. May sinabi sya pagkatapos nun pero hindi ko narinig, basta ang alam ko humugot sya. Something like 'sasaluhin'? Hindi ko alam kung matutuwa ako, kikiligin o hindi, kasi naman agad nyang binawi iyin ng tuksuhin kami ng mga kaklase ko. Kainis! Haha