MariaEljey
Link to CommentCode of ConductWattpad Safety Portal
Magandang gabi, aughostelle Maraming salamat sa pagboto maging sa paglalaan ng iyong oras upang basahin ang aking akdang El Gobernador-General De Mi Corazón. Stay safe, God bless you more, at belated Happy New Year. ❤️ Nagmamahal, LovelyEljey
aughostelle
@LovelyEljey Marami po talaga akong natutunan. Yon nalimutan ko ding sabihin. Damang dama ko ang mga senaryo sa story mo po baks.. hehe syempre kasi mahilig talaga ako sa mga action.. tsaka ever since talaga gusto gusto ko na ang history na subject..as lumala lalo nong nagsimula akong magbasa ng mga historical fiction.. tsaka salamat baks sa pag-appreciate ah hehe ;) napasaya at napatawa ako sa story'ng to.. hehe hanggang sa muli miss author!
•
Reply
MariaEljey
Magandang gabi sa iyo, Binibining @aughostelle ❤️❤️ Ibig ko pong ipaabot sa iyo ang aking taos-pusong pasasalamat sa iyong napakahabang mensahe. Damang-dama ko po ang iyong nag-uumapaw na saloobin at appreciation. Marahil kaya walang nagtatangkang sumulat ng masayang wakas sa ibang mga historical fiction na iyong nauna mo nang nabasa ay sapagkat ibig lamang ng mga manunulat na ipakita ang tunay realidad ng buhay. Na may mga pagkakataon talaga na walang masayang wakas para sa ibang tao. Marahil ay may ibang nilaan ang Panginoon para sa mga tao na may malungkot na wakas. Subalit may mga tao pa rin na deserve ang magkaroon ng masayang wakas sa kabila ng mga mapait na kanilang pinagdaanan sa buhay. Maraming salamat din po sa pagsuporta maging sa pagsubaybay ng aking akda hanggang sa huli nitong kabanata. Nawa'y sa pamamagitan ng akdang ito ay lalo mo pang napahalagahan ang ating kasaysayan, kultura, at tradisyon. Maraming salamat din sa pagmamahal sa mga tauhan maging sa paglalaan ng iyong oras upang basahin ang aking akda. Kayo na aking mga mambabasa ang pinakamagandang handog na aking natanggap sa kabila ng mga suliranin at pagsubok na dumating sa aking buhay. Huwag kang mangamba, baks, mayroon pa ako isusulat na mga kuwento sa ilalim ng Historical Fiction. Kapag mayroon po akong bakanteng araw ay susulat po ako ng natatanging kabanata para sa El Gob. Manatiling ligtas at pagpalain ka pa lalo ng ating Panginoon. ❤️❤️❤️ Nagmamahal, Senyorita Maria (✿ ♡‿♡)❤️
•
Reply
aughostelle
Di ko po alam nong una na may limit pala ang words kaya paputol putol ang message ko.. siguro wala pa talagang kalahati yang message ko kompara sa una kong nasulat! tsk tsk! Ang tagal ko kasing nagbabad para lang maisulat yon plus ito pa.. Haysssss..
•
Reply