itsmarxiana

Bee. Ito yung akin. Hind ko alam ita-title huhu
          
          Simula
          
          
          
          Nagsimula tayo sa isang dare. 
          
          Hindi ito relasyon o ano.
          
          Isang dare. 
          
          Pagkatapos nun ay naging malapit ka sa akin.
          
          Araw, gabi, mapa-madaling araw kausap ka.
          
          Hind mabubuo ang araw ko kapag hindi ka nakakausap.
          
          Hanggang sa umamin ako sa akin nararamdaman para sayo.
          
          Ang ibang pakiramdam. Pakiramdam na mas sobra pa sa pagkakaibigan.
          
          Hindi ka nagalit sa pag-amin ko.
          
          Hinayaan mo ako gustuhin ka.
          
          Hanggang sa isang araw umamin ka sa akin.
          
          Na ako rin ay iyong gusto at nais mong ligawan.
          
          Pumayag ako. Walang pagdadalawang isip.
          
          
          
          Pagkalipas ng isang buwan
          
          Nagplano ka makipaghiwalay sa hindi alam na dahilan. 
          
          
          Masakit sa akin kasi sa loob ng isang buwan nating pagsasama palagi kang wala.
          
          Nagpakatatag ako sa loob ng isang buwan para sa atin kasi mahal kita.
          
          Kahit madaming gumugulo sa akin.
          
          Kahit napapalapit na ang loob ko sa iba, ikaw pa rin ang pinipili nito.
          
          Ang puso't isipan ko.
          
          
          Hindi ko maisip kung anong ginawa ko para ako'y iyong iwan.
          
          
          Ni hindi ko mawari kung bakit.
          
          
          Hanggang sa nalaman ko ika'y may iba.
          
          
          Napakasakit malaman na sa iba ko pa nalaman ang dahilan.
          
          
          Kahit ngayon, kahit masakit ikaw pa rin ang aking mahal.
          
          
          
          -Cabrera