tots ni pusang di marunong mag-meow #1
- it's all about the writing style, babes. habang patagal ako ng patagal dito sa wattpad, mas lalong tumataas standards ko, hindi lang sa plot kundi sa writing style na din ng author. kung paano ka nila maihohook sa story unang basa mo pa lang, daloy ng kwento, plottwists, and of course pinakaimportante sa lahat, at least for me, is kung may makukuha ba akong aral sa story na yun na tatatak sa buhay ko. kasi dati, noong mga unang moments ko dito sa wattpad, idc kung anong story or plot yan, as long as ma hook ako at matapos yung libro, okay na sa akin yun. ngayon, parang need na may matutunan ako bawat istoryang mabasa ko or at least, justifiable yung plottwist nya. lalo na yung mga abduction chuchuness, r*pe plots, and such. they should have a strong and valid reason kung bakit kailangang mangyari ang ganon. dahil sa panahon ngayon, ang dami daming story na puro foul yung plots, hindi naman najujustify ng maayos ng author yung pinupunto nya or minsan pa nga, parang nanonormalize pa yung ganun. ayon lang, HAHAHAHAHAHHAHAHAA sorry kung mahaba, need lang tlga ilabas 'to