Ika-8 na Pahina
Biglang nanuyo ang lalamunan ni Kim Lemmuel, dahil sa pagkakadikit lang naman nila.
Kaagad na ginapangan ng init sa katawan ito. Lalo ng magkasalubong ang mata nila ng dalaga.
“Bakit Lemmuel, ngayon mo pa ba ako iiwasan. Tayo lang dalawa ang narito,” malamyos ang tinig na pagkakasabi niyon nito.
Sa totoo lang ay timping-timpi na siya. Gusto na niya itong sunggaban at angkinin ang mga labi nito. Ngunit naisip pa rin niya ang kapatid ng mga sandaling iyon.
“Wala ka bang nararamdaman sa akin?” Patuloy sa pagtatanong ito na tila hindi alintana ang pagiwas niya.
“H-hindi naman sa ganoon Mari, the truth is… I like you very much,” tugon niya na halos hindi makatitig ng diretso sa mga mata nito. Dahil kung ipapaling niya ang ulo sa direksyon nito. Tiyak didikit na ang labi nila sa bawat isa.
“Iyon naman pala, bakit ka umiiwas? Sa totoo lang, hindi ko naman gusto talaga si Zico.” Buhat sa sinabi nito ay napatitig siya rito.
Tama ba ang dinig niya? Wala itong gusto sa nakababata niyang kapatid.
“Ikaw talaga ang gusto ko...”
I just published "IKA-WALONG PAHINA
" of my story "MUSEO (Ang Halimaw)". https://www.wattpad.com/1560701685?utm_source=android&utm_medium=profile&utm_content=share_published&wp_page=create_on_publish&wp_uname=babz07aziole