illusionadababe

Natupad na din ang mtgal ko nang pinapangarap sa buhay ko, ang maging first follower Napakaraming pagsubok ang dinaanan ko para lang maging first follower.Iba pala ang pakiramdam pag first follower ka. Para kang inililipad ng hangin sa sobrang saya. Hindi lahat ng tao sa mundo ay nagagawa ang nagawa ko. Ang pagiging first follower ay mahirap abutin at gawin, ngunit pag nagawa mo na, parang nagkaroon ulit ako ng panibagong lakas at pag-asa upang ipagpatuloy ang buhay . Nagpapasalamat ako sa mga magulang ko , dahil kung di nila ako ginawa , malamang di ko magagawa ang bagay na ito. Nagpapasalamat din ako sa mga kapatid ko , dahil sa walang sawang suporta nila sakin , nung puro 2nd at 3rd follow lang nagagawa ko. Nagpapasalamat din ako sa kapitbahay ko, dahil sa kanila ako nakikisagap ng wifi nung panahong nagsasanay akong mabuti para maging first follower. Nagpapasalamat din ako sa aso ko , di ko alam kung bakit. Sana kayo rin maging first follwer balang araw. Kaya natin to!