Ilang taon lang ako ng una ko 'tong ginawa, out of boredom as a pandemic nakshie. Hindi ko alam kung bakit sobrang attached pa rin ako sa account na 'to e napakabobo ko sa grammar at sa buhay. But the thing is, napaka-dedicated ko. Apaka passionate ni Reader noon. Na para bang bawat pagpindot n'ya sa keyboard ay may katuturan. Reading this made me feel nostalgic. Wala naman makakakita nito pero ito nalang siguro ang paraan para masabi kong nauubos na ako, papundi na ang ilaw na minsang nagbigay sa kanila ng liwanag.