* BOYS and GiRLS *
GIRLS: Stay simple, hindi mo kailangan magpaganda ng todo, o hindi na halos kumain para lang bumaba ang timbang mo, ang kailangan mo gawin ay hintayin yung tamang lalake na tanggap kahit ano pa ang itsura mo at kahit na doble doble pa ang size mo. Dahil para sakanya, kahit na hindi ka kagandahan, at hindi sexy tulad ng iba, ikaw parin ang babaeng maipagmamalaki niya, hindi lang dahil sa itsura, kundi pati sa kabutihan na kaya mong ipakita sa iba.
BOYS: Iappreciate niyo yung mga babaeng mahal niyo/nagmamahal sainyo. Hindi ganun kadali magpaganda araw araw para lang maging maganda sila sa paningin niyo, para lang hindi niyo sila iwan o ipagpalit sa ibang babae. Maraming babae ang mas maganda, mas sexy, mas matalino, mas mayaman, pero hindi ibig sabihin nun kaya na nila kayong mahalin ng totoo, minsan lang kayo makakahanap ng babaeng kayang gawin lahat makita lang kayong masaya. Kahit pa minsan nasasaktan/nahihirapan na sila.
Makuntento sa kung anong meron ka, minsan sa kakatingin mo sa mga lumilipad na lobo, nakalimutan mong natutunaw na yung ice cream na hawak mo. Tsaka mo panghihinayangan kapag wala na sayo.