Free Words:
Darating ang araw, matatapos na din ang saya.
Ang mahalaga naramdaman mo kung papaano lumigaya. Sa sandaling iyon, nabuhay kang muli. Wag kang magtanim ng galit kung natapos man ang lahat. Sa mundong ito walang tatagal. Lahat matatapos din. 'Live by the moment' Ika nga nila. Enjoyin mo lang. At pagtapos na magpasalamat ka kasi naranasan mo. Mahirap mag let go, pero pag natutunan mo laking ginhawa nito.
Isang kabanata man ang natapos pero panigurado isang pahina muli ang magbubukas sa susunod na kabanata ng buhay mo.