beybiemonkie829

Completed - Short Story
          	https://www.wattpad.com/story/141002836

beybiemonkie829

Annie - Short Story
          
          
          "Happy birthday to you, happy birthday to you..."
          
          Masayang kinakantahan si lola Hilda ng kanyang mga kasamahan sa home for the elders, kasama na din ang mga caregiver at staff nito.
          
          "Happy birthday, happy birthday, happy birthday to you."
          
          At nag-palakpakan ang lahat matapos nilang kantahan si lola Hilda sa kanyang ika-89 na kaarawan.
          
          "Hipan mo na po yung kandila lola. Pero dapat mag wish ka muna ah." Sabi sa kanya ng caregiver na si Annie.
          
          "Ok sige." Pumikit siya at agad humiling na sana palaging maging maayos ang kalagayan ng kanyang anak na si Mary pati na ang pamilya nito.
          
          Kahit na may tampo si lola Hilda sa kanyang anak dahil sa tatlong taon na siyang hindi dinadalaw nito ay lagi niya pa rin itong inaalala.
          
          Noong unang taon niya sa ampunan ay nabibisita pa siya ng kanyang anak subalit dumating ang oras na hindi na siya nito inaalala. Hindi na ito dumadalaw sa home for the elders o tumatawag man lang para kumustahin at maka-usap siya...

beybiemonkie829

"Oh, lola Hilda bakit gising pa po kayo." Tanong ni Annie pagkakita sa lola na nakaupo sa kanyang higaan at umiiyak.
          
          "Hindi ako makatulog kasi." Sabi nito na napapa singhap pa dahil sa grabeng pag iyak.
          
          Umupo din si Annie sa kanyang higaan at nagtanong, "Bakit po kayo naiyak ay?"
          
          "Si Mary kasi. Hindi na naman ako dinalaw ngayong birthday ko. Kahit na ngayong araw man lang sana. Apat na taon na niya akong hindi naaalalang puntahan dito. Sobrang miss na miss ko na siya. Miss na miss ko na ang anak ko." At mas lalo pang tumindi ang pag iyak ni lola Hilda, pati si Annie ay umiiyak na din.
          
          Sobrang sakit ng pakiramdam ni lola Hilda ngayon. Parang pinipiga ang puso niya. Dapat sana ay masaya siya dahil kaarawan niya subalit kalungkutan ang naghahari sa kanyang damdamin.
          
          Niyakap siya ni Annie at sinabing, "Tahan na po lola, hayaan nyo po, tatawagan ko siya at paki usapan na dalawin ka ulit dito."
          
          "Naku, wag na. Sasabihin lang naman nun busy siya sa trabaho at sa pag aalaga sa maliliit niya pang mga anak. Ganoon naman lagi sinasabi noon."
          
          "Pero kayo po, kausapin niyo siya."
          
          "Wag na, ayaw na din naman akong kausapin nun, ayaw na nga akong makita. Ginawa niya na akong patay. " At muli na namang lumakas ang tulo ng kanyang mga luha.
          
          "Alam mo, mabuti pa yung kapitbahay ko dating si Nimfa. Kasi, yung inampon niyang si Jenny, na kasama noon ni Mary sa ampunan, hindi siya ginanito. Alagang alaga ngayon ni Jenny yung si Nimfa. Minsan nga, naisip ko si Jenny na lang sana ang kinuha at inampon ko." Sabi nito na pinupunasan na ang kanyang luha.
          
          Hinawakan ni Annie ang mga kamay nito. "Yun ba ang gusto nyong mangyari lola?"
          
          "Kung pu-pwede lang eh bakit hindi. Kaso hindi na natin mababalik ang panahon di ba? Kaya wala akong magagawa kundi mag tiis na lang dito."
          
          Ngumiti si Annie.
          
          At napag desisyunan na niya na sabihin kay lola Hilda ang kanyang matagal nang lihim...
          

TheOrangutan

Hi, I just wanted to pop in and say thanks for fanning. 
          I’m not quite sure what I’ve done to deserve that, but it’s always grand to meet someone new. I hope you enjoy anything of mine you happen to read if you have five minutes spare and I’m always eternally grateful for any feedback in the form of comments or critique. 
          Cheers, Gav