bllushityes
Hi HAHAHAH posting this here kasi I know no one will read this anw.
Mimi,
I'm really exhausted. I wish I can go back being a child. Natatakot na ako sa adult world, not because I’m weak and scared, but because it's too much to bear. Ang hirap sobra. Sobrang burnout ko na. Wala akong makausap sa pamilya ko dahil hindi kasi kami yung tipo ng pamilya na close sa isa’t isa. Nagbibiruan at magkakasama man kami pero hindi kaming lahat close enough to the point na open kami sa lahat ng nararamdaman namin. Ayoko din magsabi sa mga kaibigan ko kasi ayokong makadagdag sa burden at isipin nila. They're going through something I don't know, and the kindest thing I can do for them is to prevent another negativity from weighing them more. Ang daming problemang dumarating sa pamilya namin, sobrang hirap at affected kaming lahat. I need work, I really do. Both my siblings have works (kakastart lang) but hindi pa din talaga enough to support our financial problems. Hindi kami magastos, budgeted lahat ng pera. Pero hindi talaga kaya eh. Gusto kong mag-work— I'm applying kahit saan kahit pa sobrang baba na work as long as legal, sinusubukan ko talaga. Unfortunately, hindi ako natatanggap. But I do not wish to give up kasi I know mahahanap ko din yung work na for me. And today, balak ko sana mag-apply sa fastfood chain, pero hindi ko matuloy. Kasi natatakot akong kapag umuwi ako, wala na yung magulang ko (can't specified who).
bllushityes
Negative na kasi lahat ng naiisip niya and may mga nasasabi ulit siyang bad thoughts (that includes d.e@+H) and it scares me. Hindi ko kayang iwan siya sa bahay. Nakiusap din sa'kin si **** na wag ko daw iwan si **** mag-isa kasi nag-aalala din siya. ’Wag na din daw muna ako maghanap ng trabaho kasi hindi p’wedeng walang kasama si **** sa bahay dahil baka kung anong mangyari..... Natatakot ako. Natatakot ako ng sobra. I wanna cry so bad everytime pero hindi ko magawa kasi ayokong maging mahina sa paningin nila. Madasalin akong tao pero minsan hindi ko maiwasang maisip, bakit yung masasamang tao/may ginagawang masama hindi naman gan'to kabigat yung pagsubok/parusa sa buhay? Tuwing naiisip ko ’yon nags-sorry ako kay God kasi masama na kwestyunin ko ang will niya. Karma ba ’to dahil kinukwestyon ko siya? Hindi ko na alam.... Minsan umiiyak nalang ako kay God kasi ang bigat na talaga pero hindi ako p'wedeng sumuko. Ang hirap hirap hirap hirap.......
I wish someone could give me a hug without needing to ask for it.....
Whoever is reading this right now, can you please pray for me? If you do, thank you. Maa-appreciate ko ng sobra sobra ’yon. Maraming salamat!
•
Reply