Lately, nawawalan talaga ako ng gana magsulat. Hindi dahil sa ayoko na, pero minsan ang bigat lang sa pakiramdam kapag yung mga taong inaasahan mong susuporta, parang wala. Gets ko naman, may kanya-kanyang priorities ang lahat, kaya never ko namang inisip na responsibilidad nila akong suportahan. Pero syempre, tao lang din ako—nasasaktan, nadidiscourage.
Tapos biglang may isang reader na matagal ko nang kilala by username—lagi siyang nagbabasa at nagko-comment sa stories ko noon pa. And just recently, nakita ko sa notif na binasa niya ulit yung dalawang one-shot ko, gamit ang new acc. Grabe, ang simple lang pero ang laki ng impact. Parang pinaalala niya sa’kin kung bakit ako nagsusulat sa simula palang.
Sa reader na ‘yon, sobrang salamat. Hindi mo alam kung gaano kalaking bagay yung pagbabalik mo. Na-appreciate ko sobra. Isa kang paalala na kahit minsan parang wala, meron at meron pa ring taong naniniwala at sumusuporta sa’kin <333. At salamat din kay God dahil sa simpleng paraan, pinapaalala Niyang may saysay pa rin ang mga kwento ko. Sabi ko nga noon pa, kahit isa lang ang maniwala at magpakita ng suporta sa ginagawa ko, magpapatuloy pa rin ako :)))