Grabe na talaga ang nangyayari sa ating bansa. Sunod-sunod ang mga problemang hindi man lang nabibigyang-pansin; at kung mabigyan man ng pansin, agad ding nakakalimutan kapag may panibagong issue na namang dumarating. Nakakabahala ito, at alam kong nakakapagod din. Pero wag tayong magsawa sa pagpapahayag ng ating saloobin—hangga’t 'di pa sila nakikinig, hangga’t kailangan pa nilang marinig ang katotohanan. wag tayong matakot ipaglaban ang ating mga karapatan, dahil tayo pa rin ang tanging susi sa tunay na pagbabago.
Hindi tayo magpapasakop sa katahimikan na pipigil sa atin na magsalita. Ang tunay na kapayapaan ay hindi nakukuha sa pagtahimik at pagpapaalipin—ito ay nakakamit kapag ipinaglalaban natin ang katotohanan at karapatan ng bawat Pilipino. Wag nating hayaang maging bingi tayo sa sigaw ng ating kapwa, o maging bulag sa mga pangyayaring sumisira sa ating kinabukasan. Ang pagkakaisa natin ang pinakamalakas na sandata natin, at hangga’t may isa sa atin na tumatayo, hindi pa tapos ang laban. Hindi tayo magpapayapa sa isang mapang-abusong kaayusan—tutuloy tayo hanggang sa makamit natin ang tunay, makatarungan, at pantay na pagbabago para sa lahat.